No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

195 na pamilya ng Santo Niño , Cagayan, nabigyan ng tulong mula sa Serbisyo Caravan ng PTF-ELCAC

TUGUEGARAO CITY, Cagayan (PIA) - - Patuloy ang ginagawang serbisyo caravan ng Cagayan Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) sa probinsya bilang bahagi ng Retooled Community Support Program (RCSP) na naglalayong wakasan ang local armed conflict at magbigay serbisyo sa mga insurgency-cleared barangays.

Katuwang ang ibat-ibang ahensya ng pamahalaan, naipaabot ang mga tulong at serbisyo sa mahigit 195 pamilya sa bayan ng Sto. Niño, Cagayan ayon sa inilabas na datos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Cagayan.

Ilan sa mga serbisyong natanggap ng mga residente ay tig-limang kilong bigas mula sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), vegetable seedlings mula sa Office of the Provincial Agriculture (OPA), feeds mula sa Department of Agriculture (DA), at serbisyong medikal mula sa Provincial Health Office (PHO) katuwang ang Rural Health Unit (RHU)  ng Sto. Niño.

May libreng gupit, tsinelas at pagkain rin sa mga residente sa tulong ng Philippine Army  (PA) at Philippine National Police (PNP)  habang nakipagtulungan rin ang Department of Information and Communication Technology (DICT) upang i-rehistro ang mga sim cards ng mga residente alinsunod sa Sim Registration Act.

Kasama rin sa mga tumulong ay ang mga ahensya ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Technical Educations Skills and Development Authority (TESDA), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Agrarian Reform (DAR), at Commission on Higher Education (CHED). (BME/OTB/PIA Region 2/ ulat ni Maryjoy Javier at DILG) 

Nagsagawa ng dental service ang mga sundalo ng Philippine Army sa Serbisyo Caravan ng PTF-ELCAC sa Santo Niño, Cagayan.

About the Author

Oliver Baccay

Information Officer IV

Region 2

  • Assistant Regional Director, Philippine Information Agency Region 2
  • Graduate of Bachelor of Arts in Mass Communication 
  • Graduate of Master of Arts in Education, major in English
  • Graduate of Doctor in Public Administration

Feedback / Comment

Get in touch