LUNGSOD QUEZON, (PIA) --Matapos isailalim sa rehabilitasyon, muling binuksan sa publiko ang Paraiso ng Batang Maynila Phase 2.
Pinasinayaan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at lokal na pamahalaan ng Manila ang redevelopment ang parke na nasa Asuncion St., Malate, Manila.
Nanguna ina MMDA Acting Chair Atty. Don Artes, Manila City Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor Yul Servo sa inagurasyon ng parke sa ilalim ng Adopt-a-Park project ng ahensiya.
Ayon kay Artes, layunin ng proyekto na ayusin ang mga open spaces at i-develop ito para sa kapakinabangan ng publiko.
Aniya, target din ng MMDA na mag-develop pa ng karagdagang parke sa Lungsod ng Maynila sa susunod na taon na may water feature o fountain para sa mga bata.
Nagpasalamat naman si Mayor Lacuna sa suporta ng MMDA at sa paglaan ng pondo para sa parke.
Mayroong lawak na higit sa 2,000 square meters ang parke na may landscaping, open green lawn/grass area, benches, pathways, LED spotlight, LED starry light, LED inground light, LED garden light at bollards.
Maliban dito, mayroon din air-conditioned container van sa parke na magiging satellite o field office ng lungsod. (MMDA/PIA-NCR)