No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Romblomanon na nag-uwi ng gintong medalya mula sa 32nd Southeast Asian Games, sinalubong

Sa pag-uwi ni Rodelas sa isla ng Sibuyan kahapon, binigyan siya ng pagkilala ng lokal na pamahalaan. (Larawan ni Miko Rio)

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Mainit na sinalubong ng mga opisyal at residente ng Brgy. Marigondon sa bayan ng Cajidiocan, ang atletang si Mark Julius Rodelas, sa pag-uwi nito sa probinsya ng Romblon noong Mayo 15 matapos ang matagumpay na pagsabak nito sa 32nd Southeast Asian Games na ginanap sa bansang Cambodia.

Si Rodelas ay nakakuha ng gintong medalya sa patimpalak matapos makatakbo ng 25.19 seconds sa 100m obstacle racing para talunin ang kasamang si Kevin Pascua. Ang Sibuyanong si Rodelas ang nakakuha ng ika-apat na gintong medalya para sa Pilipinas sa ginanap na palaro.

Matapos umuwi sa kanyang barangay ay tumungo si Rodelas sa munisipyo ng Cajidiocan kung saan siya binigyan din ng pagkilala bilang isang natatanging atletang Romblomanon na nakapagbigay ng karangalan sa kanilang bayan. (PJF/PIA Mimaropa-Romblon)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch