No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DA, LGU Bambang namahagi ng libreng rice, corn seeds at fertilizers

Nagbigay ng libreng fetilizers, rice at corn seeds ang Department of Agriculture (DA) at Local Government Unit (LGU) ng bayang ito sa mga magsasaka. Photo from Mayor BCuaresma FB Page

BAMBANG, Nueva Vizcaya (PIA) - -  Namahagi ng libreng fetilizers, rice at corn seeds ang Department of Agriculture (DA) at  Local Government Unit (LGU) ng bayang ito sa mga magsasaka.

Pinangunahan ni Mayor Benjamin Cuaresma III, kinatawan ni Representative Luisa Cuaresma na si Lopito Lloyd Valdez at mga opisyal ng DA at PhilRice ang pagbibigay ng tulong sa mga 70 na magsasaka ng Barangay Almaguer South at  190 na corn farmers sa Barangay Sto. Domingo West.

Ang mga tulong ng DA ay mula sa  Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) at  Corn Production Enhancement Project (CPEP).

“Kami ay nagpapasalamat sa DA dahil sa tulong para sa ating mga magsasaka. Patuloy po nating palakasin ang ating partnership upang mas marami pa ang ating matutulungang magsasaka,” pahayag ni Cuaresma.

Layunin ng RCEF at CPEP na mabigyan ng tulong ang mga magsasaka upang dumami at kumita ang mga magsasaka. (BME/PIA NVizcaya)

About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch