No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DOH Bicol, hinikayat ang mga magulang na pabakunahan ang mga anak kontra polio, rubella, tigdas

LEGAZPI CITY (PIA5/Albay) — Patuloy na hinihimok ng Department of Health (DOH) Bicol at iba pang kagawaran ng kalusugan ang mga magulang ng mga batang may edad 0-59 buwan na makiisa sa chikitting ligtas Measles-Rubella Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization activity (MR OPV SIA) bago matapos ang buwan ng Mayo.

Ang mga batang may edad 0-59 buwan ay makakatanggap ng Oral Polio Vaccine (OPV)  samantalang Measles-Rubella  (MR) vaccine naman para sa 9-59 months old.

Batay sa partial count  ng DOH Bicol nitong ika-12 ng Mayo, 48.83% pa lamang ang naitalang nabakunahan laban sa polio, rubella, at tigdas sa buong rehiyon.

Ang resulta ay ikinabahala ng DOH Bicol dahil mababa ito sa 85% target population ng rehiyon sa unang sampung (10) araw na pagbabakuna.

DEPENSA | Pinangunahan ng Albay Provincial Health Office (PHO) ang libreng pagbabakuna laban sa tigdas, rubella, at polio ssa SM City Legazpi kung saan madaming mga magulang at bata ang dumalo mula sa iba't ibang Barangay sa syudad ng Legazpi. (Photo courtesy of: Maya Malaquilla)

‘’Ang MR OPV SIA ay isang kampanya na ang layunin ay protektahan ang mga bata tulad ng pagbabakuna laban sa mga vaccine preventable diseases sa kabikolan,‘’ saad ni Family Health Cluster Head Bicol Medical Officer VI Maita Bobis.

‘’Ang aktibidad na ito ay isang paraan upang masiguro natin ang kaligtasan ng ating mga chikiting laban sa mga sakit na measles, rubella, at polio,’’ dagdag ni Bobis.

Ibinahagi rin ni Albay Governor Edcel Greco Lagman ang suporta ng lokal na pamahalaan ng Albay sa chikiting ligtas campaign ng DOH Bicol.

‘’Kami, kasama ang provincial health office, ang ating mga municipal at city health centers ay nananawagan na dapat tanggapin natin ang katotohanan na ang pagpapa bakuna ang tanging sandata laban sa rubella, tigdas at polio,’’ saad ni Lagman.

Dagdag pa ni Lagman, sa pamamagitan ng pagpapabakuna maiiwasan ang pagdami ng kaso ng mga nasabing sakit sa lalawigan.

‘’Bigyan natin ng bagong sigla sa buwan ang Mayo at nais ko na ipaalam sa lahat na kung dumami ang kaso ng polio rubella at tigdas sa ating probinsya, baka dumating sa punto na magkaroon tayo ng outbreak, ayaw po nating mangyari yan,’’ saad mo Lagman.

‘’Ang mga sakit na measles o tigdas, rubella o tigdas hangin at polio ay mga sakit na lubhang nakakahawa at maaaring maging sanhi ng kamatayan, ito ay walang gamut at tanging bakuna lamang ang paraan upang masigurong ligtas ang ating mga chikiting lalo na sa mga ito,’’ ayon naman kay Bobis.

Samantala, nagbigay rin ng mensahe si DOH Bicol Regional Director Dr. Ernie Vera para sa mga magulang.

‘’Para sa mga tagapag kalinga sa mga chikiting beneath zero and 59 months, kami sa Kagawaran ng Kalusugan ay umaapela sa lahat ng mga magulang na lubusin na natin ang pagmamahal sa ating mga anak, pabakunahan na natin sila laban sa tigdas rubella at polio ngayong Mayo,’’ saad ni Vera.

(Cover photo courtesy of: Maya Malaquilla)

About the Author

Cyryl Montales

Writer PIA/Albay

Region 5

Amor Fati

Feedback / Comment

Get in touch