No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Kaso ng Covid-19 sa OrMin, nananatiling mababa

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- Nananatiling mababa ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng Oriental Mindoro Provincial Health Office (PHO).

Ang kabuuang aktibong kaso ng Covid-19 ay nasa 49 para sa taong 2023. Mula sa bilang na ito, lima  ang kumpirmadong bagong kaso sa mga isinagawang laboratory tests.

Mula sa nabanggit na kumpirmadong kaso, dalawa ang mula sa bayan ng Naujan, isa sa Lungsod ng Calapan, isa sa bayan ng Victoria, at isa rin mula sa bayan ng Pinamalayan.

Pinakamalaking bilang dito ang asymptomatic cases kung saan umabot ng 34% ng kabuoang aktibong kaso. Samantala, limang porsyento lamang ang naitalang severe cases.


Mayroong limang (5) bagong kaso ng Covid-19 sa lalawigan ng Oriental Mindoro ayon sa datos ng Provincial Health Office (PHO) noong Mayo 15, 2023. (Kuhang larawan: PIA-OrMin)

Sumatutal, umabot na sa 12,174 ang kabuoang kasong naitala ng Covid-19 sa lalawigan kung saan 650 ang namatay dahil dito.

Patuloy namang pinag-iingat ng tanggapan at ng Department of Health (DOH) ang mga mamamayan mula sa epekto ng Covid-19, bagama't iprinoklama na ng World Health Organization na hindi na ito global health emergency, hindi pa rin nawawala ang virus. Kung kaya't kinakailangan pa rin sumunod sa mga health protocols. (JJGS/PIA Mimaropa-OrMin))

About the Author

Juanito Joshua Sugay

Information Officer II

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch