No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagpapalapad ng Puerto Princesa North Road, tapos na

Ang Puerto Princesa North Road, sakop nito ang Kilometer 58 hanggang Kilometer 60 sa Bgy. San Rafael, Puerto Princesa City. (Mga larawan mula sa DPWH Mimaropa)

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) – Palawan 3rd District Engineering Office ang 1.759-km. road widening project sa Puerto Princesa North Road (PPNR).

Sakop nito ang kilometer 58 hanggang kilometer 60 sa Bgy. San Rafael. Sinimulan itong gawin noong Marso 24, 2022 at natapos nitong Marso 15, 2023.

Ang nasabing proyekto na nagkakahalaga ng P44-M ay inaasahan na mapabuti ang koneksyon at sistema ng trapiko sa lugar pati na rin matiyak ang napapanahong transportasyon ng mga kalakal at serbisyo.

Ang mga karagdagang lane sa nakaraang two-lane highway ay tiyak na mapapabuti ang access sa kalusugan, edukasyon at mga oportunidad sa ekonomiya na makatutulong sa pagpapahusay ng kalidad ng buhay ng mga taong naninirahan sa loob at kalapit na mga komunidad.

Ang proyektong ito ay bahagi ng mga proyektong pagpapalawak ng kalsada ng pamahalaang nasyunal upang mapadali ang rural at economic development sa lugar. (OCJ/PIA Mimaropa-Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch