‘’Maluwag po kami sa pagpapautang, kakaunti ang requirements hanggat kaya namin na maging flexible,’’ saad ni SBCorp Innovation and Advocay Group Head Wally Don Calderon.
‘’Kasi po [ang] mandato namin ay development financing, at the end of the day gusto namin na makatulong sa MSMEs as a sector and to the country,’’ dagdag pa niya.
Ang SBCorp ay isang non-bank government financial institution na nabuo noong 1991 sa ilalim ng Magna Carta para sa MSME’s.
Ayon kay Calderon sa 20 taon ng SBC, P10 billion ang dapat na capitalization ng kanilang korporasyon subalit nitong 2021 lang ibinigay ng gobyerno ang halangang ito.
Dagdag pa ni Calderon, dahil naging matagumpay ang kanilang mga programa nitong nakaraang pandemya, nabigyan ang SBCorp ng dagdag na pondo.
‘’Napagkatiwalaan ang aming korporasyon at binigyan [kami ng] full capitalization, nag-download ang gobyerno ng additional P8.08 Billion at kaya po fully capitalize ang SBCorp dahil meron na po kaming P10 billion capitalization,’’ saad ni Calderon.
‘’Iniikot po namin [ang ilang rehiyon o lalawigan] dahil meron po talaga kaming pundo na kayang ipautang whether directly to the MSME’s or to prospective partner financial institutions,’’ dagdag pa niya.