No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

129 Tarlakenyo, natulungan sa SME Credit Facility ng LANDBANK

LUNGSOD NG TARLAC (PIA) -- Nasa 129 Tarlakenyo ang natulungan sa SME Credit Facility ng Land Bank of the Philippines (LANDBANK) sa unang kwarter ng 2023.
 
Ito ay katumbas ng humigit kumulang P816 milyong halaga ng aprubadong pautang.
 
Ayon kay LANDBANK Tarlac Lending Center Head Demetrio Espiritu III, ang SME Credit Facility ay programang pautang para sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) upang tulungan sila sa pagsisimula o pagpapalago ng kanilang negosyo. 
 
Bukod sa mga start-up business, pinopondohan din ng SME Credit Facility ang mga negosyong nasa agri-business, manufacturing, trading at iba pa. 
 
Paliwanag ni Espiritu, 80 porsyento ng kabuuang halaga ng proyekto ang inaalok sa mga interesadong umutang habang 20 porsyento ang kanilang magiging equity. 
 
Tiniyak din niya na ang posibleng pinakamababang interes ang ibibigay sa mga MSMEs upang mas mapagaan ang kanilang pagbabayad. 
 
Mayroong short-term loan na maaaring mabayaran hanggang 360 araw, at long-term loan na maaaring bayaran sa loob ng 10 hanggang 15 taon. 
 
Dagdag niya, kwalipikado sa naturang programa ang mga MSMEs na rehistrado sa Department of Trade and Industry o Securities and Exchange Commission, at nabibilang sa: single proprietorship, 100 porsyentong Filipino-owned partnership, o mga korporasyon na hindi bababa sa 60 porsyento ang pag-aari ng Pilipino.
 
Para sa karagdagang impormasyon, ang mga interesado at kwalipikado ay maaring tumawag sa (045) 923-1407 o bumisita sa kanilang tanggapan na matatagpuan sa McArthur Highway, San Sebastian sa lungsod ng Tarlac. (CLJD/TJBM-PIA 3)

Ibinalita ni Land Bank of the Philippines Tarlac Lending Center Head Demetrio Espiritu III na umabot sa P816 milyon ang aprubadong pautang para sa may 129 negosyante sa Tarlac. (Gabriela Liana S. Barela/PIA 3)

About the Author

Trixie Joy Manalili

Writer

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch