No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Proyekto ng DPWH sa Simara Island, patuloy na isinasagawa

Mga proyektong patuloy na ipinapagawa ng DPWH ay ang Yoong-Labnig Road at ang pinalawak na kalsada sa Brgy. Tacasan. (Larawan mula kay Corcuera Mayor Elmer Fruelda)

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Tuluy-tuloy ang ginagawang pagpapalapad ng mga kalsada ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa circumferential road ng bayan ng Corcuera sa Simara Island, Romblon.

Ayon kay Corcuera Mayor Elmer Fruelda, sagot ito sa matagal nang minimithi ng mga residente ng isla na mas mapalapad ang kanilang mga kalsada na noon ay isang linya lamang at napakakitid para sa mga sasakyan.

Ilan sa mga proyektong patuloy na ipinapagawa ng DPWH ay ang pagsesemento sa Yoong-Labnig Road at ang pinalawak na kalsada sa Brgy. Tacasan.

Maliban dito, may proyekto rin ang DPWH sa isla na makakatulong sa edukasyon ng mga estudyante sa lugar.

Sinabi ng alkalde na nasa 70% na ang completion rate ng ipinapagawang 2-Clasroom Unit ng DPWH sa Brgy. Alegria sa bayan ng Corcuera.

Dagdag pa ng alkalde, inaasahang sa susunod na buwan ay matatapos at maiigawad na sa Alegria Elementary School ang nasabing proyekto. (PJF/PIA Mimaropa-Romblon)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch