BAGUIO CITY (PIA) -- Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang pagpapatuloy sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Program.
Sa pagharap nito sa graduating class ng Philippine Military Academy nitong Linggo (May 21), inihayag ng Pangulo na ang paghahanda ay kaakibat ng nagbabagong security environment at para sa anumang banta na maaaring kaharapin ng bansa.
"Purveyors of criminality, insurgency and terrorism are the great interlopers in our peaceful aspirations that undermine our peace and our stability, and our march to prosperity in our sovereign domain and its environs," ani Pres. Marcos.
Dahil dito ay patuloy aniya ang pagpapatupad nila sa AFP Modernization Program sa pamamagitan ng pagbili at pag-upgrade sa mga military assets ng bansa.
Ayon sa Pangulo, pinag-aaralan na rin ng pamahalaan ang pagpapaganda ng social protection para sa military at uniformed personnel. Kamakailan ay nilagdaan niya ang Republic Act No. 11939 na nag-aamyenda sa RA No. 11709 na naglalayong mas mapalakas pa ang professionalization at merit system ng AFP.
"Because of this, you now join a modern and professional organization which is now more effective, and even more formidable vehicle for public service and nation building, and a continuing source of pride and self-fulfillment for the individual personnel," si Pangulong Marcos.
Ang RA No. 11709 na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nagtatakda ng 'fixed term' para sa mga pangunahing military positions. Sa naamyendahang batas sa ilalim ng RA No. 11939, ang AFP Chief of Staff ay may maximum tour of duty na tatlong magkakasunod na taon maliban na lamang kung i-terminate ito ng Pangulo.
Ang Commanding General ng Philippine Air Force at Philippine Navy, Flag Officer in Command ng Philippine Navy, at Superintendent ng PMA ay mayroon lamang dalawang magkasunod na taon na tour of duty.
Nakasaad sa nasabing batas na ang mga nasabing opisyal ay hindi rin eligible sa anumang posisyon sa AFP maliban na lamang kung ma-promote bilang chief of staff.
Ang pagreretiro ay compulsory para sa mga opisyal na Second Lieutenant/Ensign hanggang Lieutenant General/Vice Admiral kapag narating na nila ang edad na 57 o pagkatapos ng 30 taon na active duty. Applicable din ito para sa mga enlisted personnel. (JDP/DEG-PIA CAR)