No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pabahay Project para sa bayan ng Bambang pirmado na

Pinirmahan na nina Mayor Benjamin ‘Jamie’ Cuaresma III at mga matataas na opisyal ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang Pabahay Program para sa bayan. Photo from Mayor JCuaresma

BAMBANG, Nueva Vizcaya (PIA) - - Pinirmahan na nina Mayor Benjamin ‘Jamie’ Cuaresma III at mga matataas na opisyal ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang Pabahay Program para sa bayan.

Ayon kay Cuaresma, kamakailan lamang ay bumisita sila sa tanggapan ng DHSUD sa Metro Manila upang pirmahan ang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Local Government Unit (LGU) at ng DHSUD na pinangunahan nina DHSUD AssistanT Secretary Daryll Bryan Villanueva at ni DHSUD Regional Director Eleanor Uboan.

“Kasama natin ditong bumisita ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan (SB) sa pamumuno ni Vice Mayor Arnel Duldulao at naging saksi sa  nasabing MOU signing,” pahayag ni Cuaresma.

Ayon pa sa kanya, kasali ang LGU Bambang sa  "Pambansang Pabahay Para sa Pilipino" Program (4PH) na isang  Legacy Project ng Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na  naglalayong makapagpatayo ng anim na milyong bahay sa bansa.

Dagdag ni Cuaresma na magiging priority ang mga guro sa Bambang sa ilalim ng Pabahay Program dahil nagkukulang sila sa kakayahang magkaroon ng sariling bahay.

“Lubos kaming nagpapasalamat sa DHSUD officials sa mainit na pagtanggap sa amin at sa suporta ng ating SB members na pinamumunuan ni Vice Mayor Duldulao. Patuloy ang pagdagsa ng proyekto sa ating bayan dahil pag malinis ang gobyerno, mas maraming proyekto,” pahayag ni Cuaresma. (MDCT/BME/PIA Nueva Vizcaya)

About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch