STA. PRAXEDES, Cagayan (PIA) - Higit na pinalawak na serbisyong pangkalusugan ang mapapakinabangan ngayon ng mga mamamayan matapos buksan ang kauna-unahang Super Health Center (SHC) sa bayang ito.
Ayon kay Mayor Esterlina Aguinaldo, tinutukan niya ng husto ang pagpapagawa ng SHC sapagkat malayo sa malalaking ospital ang kanyang bayan at laking pasasalamat niya sa pamunuan ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go at sa pamunuan ng Department of Health (DOH) Regional Office 2 sa pagsasakatuparan ng kanilang kahilingan.
Ibayong serbisyong medokal handog ng bagong SHC sa Sta. Praxedes, Cagayan
Ang SHC ay may mga serbisyong tulad ng laboratory tests, X-ray, minor surgery at iba pa at layunin nitong maiparating ang mas maraming serbisyong pangkalusugan lalo na są mga liblib na lugar.
Ayon naman kay DOH Asst. Regional Director Mar Wynn Bello, naipatayo ang mga SHC sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program ng DOH.
Kasalukuyan na rin umano ang pagpapatayo ng katulad nf SHC sa mga bayan ng Penablanca, Buguey at Lal-lo
Buo naman ang pahayag ni Sen. Bong go sa pamunuan ni Mayor Aguinaldo na huwag na huwag pabayaan ang mga kababayang higit na nangangailangan.
Nais ng programa na mailapit sa mamamayan ang serbisyo ng gobyerno lalo na sa mga liblib na lugar.
“Bukas po ang aking opisina sa mga mahihirap rating kababayan lalo na yung mga may sakit sa puso na dinadala sa Manila. Lumapit lang po kayong sa aking opisina at sasagutin ko po ang inyong mga gastusin kasama ang pamasahe pagpunta at pagbalik,” pahayag ng senador.
Samantala, nagpahayag si Mayor Aguinaldo ng kanyang pagnanais na maging infirmary hospital ang kanilang SHC at isinangguni ito sa DOH upang mapabilis ang process lalo na są pagdadagdag ng doctor at mga nurse na mangangasiwa sa ospital. (OTB/GVB/PIA Region 2)