No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Matnog Port, tampok sa pre-SONA event sa Sorsogon

Lungsod ng Legazpi- June 3, (PIA)—Nakatakdang ganapin ang  '2023 pre-SONA caravan: Nagkaka1sang Bumabangon" sa Sorsogon provincial gymnasium sa ika-5 ng Hunyo, mula  ala una hanggang ika -apat ng hapon. Papangunahan ito ng Ahensiyang Pang-Impormasyon ng Pilipinas o Philippine Information Agency,  kaagapay ang  na local na pamahalaan ng lalawigan ng Sorsogon sa pangunguna naman ni Governor Jose Edwin "Boboy"B. Hamor.    

Tampok sa naturang pagtitipon ang paglalahad  ng mga nagawa ng local na pamahalaaan at mga katuwang na ahensiya nito  para sa pagsasaayos ng pamamalakad sa Matnog Port.

Inaasahang matatalakay ng mga pangunahing tagapagsalita ang mga programang para sa pagpapaunlad ng pantalan at ang pagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa mga Sorsoganon. Ang mga usapin ay ihahanay sa tema ng pagpupulong na “ Nagkaka1sang Bumabangon” na siya ring magiging sentrong usapin sa SONA ng pangulo sa darating na Hulyo 2023.

Kabilang sa mga pangunahing tagapagsalita ay sina PIA Undersecretary and Director General Jose A. Torres, Jr. bilang keynote speaker, DOTr Assistant Secretary for Maritime Sector ASec Julius A. Yano na tatalakay sa paksang “ Port to Build Better Matnog” at National Economic Development Authority UnderSecretary for Investment Programming Group, Hon.Usec Joseph J. Capuno na tatalakay sa paksang “ Economic Impact of Matnog Port."

Kasama din na magsasalita sina PPA Matnog Port Terminal Management Office Acting Division Manager Mr. Achiles C. Galindes sa paksang “ Port Management System”, Sorsogon Governor  Hamor na magpapabot ng kanyang pambungad na pananalita, 1st District Congresswoman Bernadette G. Escudero at Sorsogon 2nd District Congressman Hon. Atty. Manuel L. Fortes, Jr. para sa kanilang mga inspirational messages.

Inaasahang magkakaroon ng magandang bunga ang mga pag uusapang paksa tungkol sa pagpapaunlad ng Matnog Port. Umaasa din ang mga local na opisyal ng lalawigan na maisasama sa SONA ng Pangulo ang mga nagawang pag unlad ng Matnog Port na naisakatuparan sa unang bahagi ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Naging puspusan ang paghahanda sa naturang aktibidad na pinangunahan ng Philippine Information Agency Region 5 at ng pangunahing tagapagsuporta na lokal na pamahalaang panlalawigan ng Sorsogon sa pangunguna ni Gobernador  Hamor. Malaki rin ang mga naging ambag ng mga katuwang na tanggapan ng pambansang pamahalaan.

Ang programa ay magtatapos sa closing message ni PIA Region 5 Regional Head Ramil A. Marianito. Kaagad itong  susundan ng isang palatuntunan na tinawag na Pasalinggaya. Ito ay katatampukan ng mga nakakaaliw na mga palaro at paraffle para sa mga nagsipagdalo.

Bago ang pre-SONA event ay magkakaroon naman ng Serbisyo Caravan sa capitol grounds kung saan mag hahatid ng serbisyo at mga produkto ang mga katuwang na ahensya ng PIA at ng lokal na pamahalaan ng Sorsogon. Mag sisimula ito alas 8:30 ng umaga sa Lunes, ika-5 ng Hunyo.  (PIA 5)


About the Author

Marlon Atun

Writer

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch