No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

34 mag-aaral ng Dumagueña National HS nagtapos sa Farmers’ Field School ng DA

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Nagtapos sa Farmers’ Field School (FFS) on Corn Production ng Department of Agriculture (DA)-Mimaropa kamakailan ang 34 na mga mag-aaral ng Dumagueña National High School (DNHS) sa bayan ng Narra.

Ang mga mag-aaral ay mula sa Grades 11 at  12 na interesadong kumuha ng kursong pang-agrikultura pagdating ng kolehiyo.

Sa loob ng 16 na linggong pagsasanay ay pinag-aralan ng mga estudyante ang seed selection, corn morphology, land preparation, planting, integrated nutrient management, fertilizers computation, weed and weeds management, integrated pest management, harvesting operation, drying and storing operation at crop cut.

Pagkatapos ng mga lecture ay diretso naman ang mga mag-aaral sa hands-on activities upang agad na mai-apply ang kanilang mga natutunan.

Ang 34 na mga mag-aaral ng Dumagueña National High School (DNHS) sa bayan ng Narra na nagtapos kamakailan sa Farmers' Field School on Corn Production ng DA-Mimaropa. (Larawan mula sa DA-RFO-Mimaropa)

Sa impormasyong ibinahagi ng DA-Regional Field Office Mimaropa, ginawa ang FFS on Corn Production upang maturuan ang mga mag-aaral ng makabagong pamamaraan ng pagtatanim ng mais, paano puksain at iwasan ang mga peste at sakit sa mais at hikayatin ang mga kabataan na tahakin ang pag-aagrikultura.

Naging tagapagsanay sa gawain sina Van Eric Morillo, DA-Mimaropa Palawan Corn & Cassava Focal Person; at Jerry Sotabinto at Simuel Bungay ng Office of the Provincial Agriculturist.

Napili naman ang Dumagueña National High School na pagdausan ng FFS dahil sa malaking potential nito na maging agricultural school.  Ang nasabing paaralan ay mayroong 10 hektaryang lupain kung saan ito ay nagamit upang pagtaniman ng mga mag-aaral na nag-enroll sa FFS.

Naisakatuparan ang FFS sa DNHS sa pakikipagtulungan ng Provincial Government ng Palawan sa pamamagitan ng Provincial Agriculturist Office sa pamumuno ni Dr. Romeo Cabungcal at ng Department of Agriculture-Mimaropa Corn and Cassava Program.

Dumalo sa pagtatapos ng FFS on Corn Production si Cabungcal kasama sina Palawan 2nd District Broad Members Ryan D. Maminta at Ariston Arzaga. (OCJ/PIA Mimaropa-Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch