No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

68 aktibong kaso ng COVID-19, naitala sa Camarines Norte

DAET, Camarines Norte, Hunyo 5 (PIA) –  Nakapag tala ng 68  aktibong kaso ng COVID-19  sa Camarines Norte ngayong Hunyo 5, Lunes. Ito ay batay sa inilabas na datus ng tanggapan ng Provincial Health Office (PHO) ng pamahalaang panlalawigan.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel E. Francisco, simula Enero ngayong taon ay 214 na ang kumpirmadong kaso, 17 ang namatay at 129 ang total recoveries.  

Binigyang-diin ni Dr. Francisco na karamihan sa mga namatay ngayong taon ay halos walang bakuna ganundin ang mga kumpirmadong kaso.

Hinikayat ni Provincial Health Officer Dr. Arnel E. Francisco ang mga mamamahayag sa Camarines Norte sa isinagawang press briefing na tulungan sila sa pagpapalaganap ng impormasyon at paghikayat sa publiko partikular na ang mga hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19. (PIA5/ Camarines Norte)

Muli nitong ipinaalala na hindi pa tapos ang pandemya o ang kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Nagpalabas naman ng kautusan si Gobernador Ricarte Padilla sa pamamagitan ng Executive Order No. 036 hinggil sa muling pagpapatupad ng minimum public health standards at panawagan para makakuha ng bakuna at booster shot laban sa COVID-19.

Nagpalabas rin ng advisory ang PHO sa mga pribado at pampublikong hospital sa Camarines Norte hinggil sa referral ng asymptomatic at mild COVID-19 cases dahil ang panlalawigang pagamutan ay napupuno ang hospital beds utlization.

Dahil dito, ang mga hindi malubhang kaso ay maaaring ilipat sa mga mababang pasilidad at mapangalaan ang kanilang mga sakit upang hindi magkaroon ng pagsisikip sa provincial hospital.

Padadalhan rin ng sulat ang mga Rural Health Unit (RHU) ng mga lokal na pamahalaan upang aksyunan ang mga naitatalang kaso o sitwasyon ng COVID-19 sa kanilang mga bayan. 


Hinikayat ni Dr. Francisco ang mga mamamahayag sa Camarines Norte na tulungan sila sa pagpapalaganap ng impormasyon at paghikayat sa publiko partikular na ang mga hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19.

Sumunod sa ipinatutupad na minimum health standard protocol lalo na ang pagsusuot ng face mask at hindi pagtungo sa mga madadaming tao dahil sa nakataas na alert level 2 sa lalawigan.  

Maaari namang tunguhin ng mga personel ng RHU ang mga hindi pa nababakunahan dahil sa hindi sila makalabas ng tahanan sanhi ng kanilang karamdaman. (PIA5/ Camarines Norte)

About the Author

Reyjun Villamonte

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch