No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

1,500 mag-aaral sa Calatrava, tumanggap ng tulong pinansyal mula kay Senator Go

Nakatanggap ang mga estudyante ng tig P2,000 na magagamit nila pambili ng kanilang mga gamit sa schools kagaya ng lapis, papel, ballpen, at iba pa. (Larawan mula kay Calatrava Mayor Marieta Babera)

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Aabot sa 1,500 na mga estudyante mula sa iba't ibang paaralang elementarya sa bayan ng Calatrava ang nakatanggap noong Hunyo 6, 2023 ng educational cash assistance mula sa tanggapan ni Senator Bong Go.

Sa panayam ng PIA Romblon kay Calatrava Mayor Marieta Fabella Babera, ibinahagi nito na aabot sa ₱3-million ang inilaan ng Senador para sa mga estudyante ng bayan. Idinaan ito sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nakatanggap ang mga estudyante ng tig-₱2,000 na magagamit nilang pambili ng kanilang mga gamit sa paaralan kagaya ng lapis, papel, ballpen, at iba pa.

Lubos ang pasasalamat ng alkalde kay Go dahil sa ibinigay nitong tulong para sa kanilang bayan.

Ayon kay Babera, nakakatuwa na ang bayan ng Calatrava ang napili ng Senador para sa kaniyang mga proyekto kagaya ng educational assistance at ang pagtatayo ng Super Health Center.

Maliban kay Go ay nagbigay din ang tanggapan ni Senator Sherwin Gatchalian ng tulong pinansyal para naman sa 50 estudyante ng bayan. (PJF/PIA Mimaropa-Romblon)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch