No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga programa, proyektong tututukan ng DTI Zambales ibinahagi

IBA, Zambales (PIA) -- Ibinahagi ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga bibigyang prayoridad na programa at proyekto nito sa Zambales.
 
Isa sa strategic priority ng kagawaran ang pag-upgrade, upskill at upsize ng mga micro small, and medium enterprises (MSMEs) partikular sa digitalization at digital transformation.
 
Ayon kay DTI Provincial Director Enrique Tacbad, mahalaga na maging kabahagi ang mga MSME ng teknolohiya sa ilalim ng ika-21 siglo.
 
Dagdag pa niya, nagbigay daan ang pandemya upang magkaroon ng oportunidad ang mga MSME na pasukin ang online platform at maging malikhain.
 
Bukod pa rito, mayroon ding One Town One Product Next Generation Program na nagbibigay kahusayan sa mga bagong MSME pagdating sa labelling, packaging at product design.
 
Layunin naman ng Diskwento Caravan, market access, at market matching activities na tiyaking ang mga produkto ay hindi lamang makikita sa lokal kundi pati na rin sa national at international market ganun din sa mga malalaking supermarket at establisyemento. 
 
Kabilang pa sa bibigyang prayoridad ang pag-export ng matamis na mangga ng Zambales sa United Arab Emirates at Singapore at pamumuhunan sa E-vehicle.
 
Ninanais din aniya na magkaroon ng mga industriya ng cacao, coffee, seaweed at sea cucumber sa lalawigan. (CLJD/RGP-PIA 3)

Ibinahagi ni Department of Trade and Industry Provincial Director Enrique Tacbad ang mga programa at proyektong bibigyang prayoridad nito sa Zambales. (Reia G. Pabelonia/PIA 3)

About the Author

Reia Pabelonia

Information Officer I

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch