No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Ugnayan sa Barangay, Serbisyo Caravan, nagpapatuloy sa Dumaran

Ugnayan sa Barangay at Serbisyo Caravan sa Dumaran, nagpapatuloy

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) – Nagpapatuloy hanggang sa Hunyo 16, 2023 ang isinasagawang Ugnayan sa Barangay at Serbisyo Caravan sa Brgy. Danleg sa bayan ng Dumaran.

Sinimulan ito noong Hunyo 2, sa pamamagitan ng inisyatibo ng Regional Mobile Force Battalion-4B, katuwang ang lokal na Pamahalaan Bayan ng Dumaran sa pangunguna ni Mayor Richard R. Herrera.

Ilan sa mga aktibidad na isinasagawa sa loob ng dalawang linggo ay ang pagsasagawa ng lectures kabilang ang pagtalakay sa EO 70 National Task Force Ending Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP), RA 1118 o Special Protection of Children in Situations of Armed Conflict Act at RA 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020.


Ang mga residente ng Bgy. Danleg, Dumaran, Palawan na nakiisa sa isinasagawang Ugnayan sa Barangay at Serbisyo Caravan dito. (Mga larawan mula sa PIO-Palawan)

Magsasagawa rin ang TESDA-Palawan ng mga pagsasanay hinggil sa Food and Beverages at Bread and Pastry. Magkakaroon din ng Medical Consultation, Free Haircut, Tree Planting, Anti-Rabies Vaccination, Seedlings Distribution at Feeding Activity.

Ang nasabing aktibidad ay kaugnay ng implementasyon ng Retooled Community Support Program (RCSP) sa pamamagitan ng DILG MC No. 2019-169 na may layunin na palakasin ang mga programa sa mga komunidad sa pamamagitan ng whole-of-nation approach upang mapanatili ang kapayapaan sa lalawigan ng Palawan at makaiwas sa anumang banta ng terorismo.

Dumalo sa pagbubukas nito si Board Member Angela V. Sabando at KADRE Palawan representative David Dweine Dalag kasama ang Tactical Operations Wing West ng Philippine Airforce at Bureau of Fire Protection.

Suportado naman ito ng Palawan Provincial Task Force ELCAC. (OCJ/PIA Mimaropa-Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch