No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mamamayan ng Pateros, hinikayat na mag 5S kontra dengue

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Hinikayat ng Pamahalaang Bayan ng Pateros ang kanilang mamamayan na ugaliing maghanda laban sa dengue.

Idineklara ang buwan ng Hunyo bilang Dengue Awareness Month sa Pilipinas para magbigay sa publiko ng kamalayan sa mga hakbang upang makaiwas sa naturang sakit, alinsunod sa Proclamation No. 1204 noong Mayo 21, 1998.

Upang makaiwas sa dengue, payo ng PamahalaangBayan sa kanilang mamamayan na panatilihin ang kalinisan sa kani-kanilang lugar at tahanan gayundin, makatutulong na sundin ang 5S:

  • Search and destroy mosquito breeding places tulad ng mga lumang gulong, paso, balde at drum
  • Secure self-protection tulad ng pantalon, long sleeved na damit, at mosquito repellant
  • Seek early consultation lalo na kung may sintomas ng dengue tulad ng mataas na lagnat at sakit ng kasu-kasuan, at pananakit ng likod ng mata
  • Support fogging and spraying only in hotspot areas
  • Sustain hydration lalo na kapag nilalagnat dahil sa dengue

Ayon saPamahalaang Bayan, walang pinipiling panahon ang sakit na dengue, tag-ulan man o tag-araw, kaya't hindi nararapat na  hayaang dumami ang lamok sa lugar. (Pateros/DOH/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch