No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

185 blood bags mula sa 250 donors nalikom ng Taguig LGU sa pagdiriwang ng World Blood Donor Day

LUNGSOD QUEZON,(PIA) – Nasa 250 blood donors ang nakiisa at 185 blood bags ang nalikom ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig saisinagawa nitong blood letting activity kaugnay ng pagdiriwang ng World Blood Donor Day noong Sabado, Hunyo 10, sa Taguig Lakeshore Hall.

May temang, "Dugong Alay Mo, Sagip sa Buhay Ko", ang aktibidad ay bahagi din ng pagkilala ng lungsod sa mga blood donor na boluntaryong nagbabahagi ng kanilang oras at panahon upang matulungan ang kapwa nila Taguigueño na nangangailangan ng sapat na suplay ng dugo.

Isinakatuparan ang blood letting activity, sa pakikipagtulungan ng Philippine Blood Center upang makapagbigay ng mataas na kalidad at dagliang suplay ng dugo para sa mga Taguigueño.

Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, isa sa mga hangarin ng syudad na magkaroon ng sariling blood bank.

Bukod sa blood letting activity, nagsagawa din ng libreng blood typing at platelet apheresis donation.

Namigay ang lungsod ng t-shirt at pagkain para sa mga blood donors na dumalo bilang token of appreciation sa kanilang walang sawang pagsuporta at pagtulong sa mga kapwa nila Taguigueños.

Ang selebrasyon ng World Blood Donor Day ay tatagal hanggang ika-14 ng Hunyo.

Magkakaroon muli ng blood letting activity ang Taguig Pateros District Hospital sa mga sumusunod na schedule:

• June 14 (7 a.m. to 12 noon) - Taguig City University Auditorium

• June 24 - TPDH

• June 28 - TPDH

Kinilala ang Lungsod ng Taguig bilang 3-Time Jose Rizal Awardee, ang pinakamataas na pagkilala na natanggap ng lungsod dahil sa kahusayan sa pagsasagawa ng mga blood donation at blood-letting activities. (taguig pio/pia-ncr)

About the Author

Jumalynne Doctolero

Information Officer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch