No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mahigit 21k na pasahero ng LRT-2, nabigyan ng libreng sakay noong Araw ng Kalayaan

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Magandang balita! Umabot sa mahigit 21,000 ang nakasakay ng libre sa LRT-2 sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan nitong Lunes, Hunyo 12, 2023.

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), umabo sa 21,664 na mga pasahero ang nakinabang sa libreng sakay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Samantala, nasa 8,047 na pasahero ang nag-avail ng libreng sakay mula 7:00 AM hanggang 9:00 AM habang nasa 13,617 na pasahero naman ang sumakay ng libre mula 5:00 PM hanggang 7:00 PM.

Ang libreng sakay ay naging handog ng LRTA bilang pagbibigay pugay at pagkilala sa sakripisyo ng ating mga bayani na nagbuwis ng buhay makamit lamang ang kasarilan ng bansa. (LRTA/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch