No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

‘Munsipyo sa Barangay’, tuloy-tuloy na programa ng LGU Bambang

Patuloy na isinasagawa ng Local government Unit (LGU) ng Bambang, Nueva Vizcaya ang ‘Munisipyo sa Barangay’ Project upang magbigay ng iba’t-ibang tulong at serbisyo sa mga mamamayan. (Larawan mula sa Mayor B. Cuaresma FB Page)

BAMBANG, Nueva Vizcaya (PIA) - - Patuloy na isinasagawa ng Local government Unit (LGU) ng bayang ito ang Munisipyo sa Barangay Project upang magbigay ng iba’t-ibang tulong at serbisyo sa mga mamamayan.

Ayon kay Mayor Benjamin Cuaresma III, isinagawa nila kamakailan ang ika siyam na Munisipyo sa Barangay sa Barangay Sto. Domingo West na dinaluhan ng buong puwersa ng ng MLGU at Sangguniang Bayan (SB) sa pangunguna ni Vice Mayor Arnel Duldulao kasama ang Barangay Council sa pangunguna ni Barangay Captain Naty Pio.

Sa ilalim ng Munisipyo sa Barangay Project, naipamahagi dito ang mga serbisyo at tulong ng MLGU gaya ng deworming ng 50 farm animals, pagbibigay ng  10 anti-rabies vaccine, 190 chicks, 207 Egg Trays,  20 piraso ng  jackfruit seedlings, 20 piraso ng avocado seedlings, 50 packs 9 in1 assorted seeds, 150 packs 7 in1 assorted seeds, 50 piraso ng  papaya seedlings, 30  tomato seedling trays, 60  eggplant seedling trays at  30 na  pepper seedling trays.

“Matagumpay po nating naisasagawa ang Munisipyo sa Barangay Project dahil ang layunin nito ay mailapit ang mga serbisyo at tulong ng MLGU sa ating mga mamamayan sa iba’t-ibang barangay ng ating bayan. Katuwang din natin dito ang mga barangay officials at councils upang maayos ang pagsasagawa nito,” pahayag ni Mayor Cuaresma.

Dagdag pa ni Cuaresma na patuloy itong isasagawa ng MLGU dahil napapakinabangan ito ng maraming mamamayan kung saan ang tulong ay nagsisilbi ring livelihood project sa mga barangay at mga pamilyang rumanggap nito. (BME/PIA NVizcaya)   

About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch