No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

50 PDL sa Zambales sasanayin ng TESDA

IBA, Zambales (PIA) -- May 50 Persons Deprived of Liberty (PDL) sa Zambales Provincial Jail ang sasanayin ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
 
Ito ay sa ilalim ng community-based training program na naglalayong paghusayin ang produktibidad ng mga mamamayan sa pamamagitan ng produktibong kabuhayan at self-employment.
 
Ayon kay TESDA Provincial Training Center-Iba Instruction Supervisor Engineer Jonathan Alvior,  ang mga benepisyaryo ay sasanayin sa kursong Assemble Electronic Products.
 
Inaasahan aniya na magkakaroon ang mga PDL ng pangunahing kaalaman at kasanayan.
 
Layunin din nito na magbigay ng mga interbensyon sa pamamagitan ng skills development upang maiangat ang kanilang katayuan sa ekonomiya at mapadali ang muling pagbalik sa kani-kanilang komunidad.
 
Makakatanggap ng Certificate of Training ang mga kalahok pagkatapos ng kanilang 15 araw na pagsasanay. (CLJD/RGP-PIA 3)

May 50 Persons Deprived of Liberty sa Zambales Provincial Jail ang sasanayin ng Technical Education and Skills Development Authority sa kursong Assemble Electronic Products. (TESDA Zambales)

About the Author

Reia Pabelonia

Information Officer I

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch