No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

World Day Against Child Labor, ipinagdiwang sa Romblon

Ginugunita ng Department of Labor and Employment (DOLE) Romblon ang 2023 World Day Against Child Labor kasama ang lokal na pamahalaan ng Romblon at pamahalaang panlalawigan ng Romblon. (Photo: DOLE Romblon)

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Ginugunita ng Department of Labor and Employment (DOLE) Romblon ang 2023 World Day Against Child Labor kasama ang lokal na pamahalaan ng Romblon at pamahalaang panlalawigan ng Romblon.

Ito ay naging bahagi rin ng pagdiriwang ng ika-125 Araw ng Kalayaan.

Sa isinagawang pagdiriwang, ipinagkaloob ng ahensya ang iba't ibang tulong at regalo sa 31 child laborers sa bayan ng Romblon.

Layunin ng programa na bigyan ng suporta at pagkilala ang mga batang naapektuhan ng child labor. Nakatuwang rin ng DOLE ang mga sponsors at mga indibidwal na nagmamalasakit sa kapakanan ng mga bata.

Ang World Day Against Child Labor ay isang pandaigdigang pagdiriwang na naglalayong labanan at puksain ang child labor.

Ipinahayag din ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang kanilang suporta sa pagdiriwang at pagkilala sa mga batang apektado ng child labor. Patuloy nilang ipinapahayag ang kanilang pangako na tutukan ang usapin ng child labor at itaguyod ang mga karapatan at kapakanan ng mga bata. (PJF/PIA Mimaropa-Romblon)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch