LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) – Umabot sa mahigit 1,800 na mga informal fisherfolks sa lungsod na ito na naapektuhan ng trahedya ng tumagas na langis mula sa lumubog na M/T Princess Empress ang nabiyayaan ng Emergency Cash Transfer (ECT) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kamakailan.
Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng P6,118 hanggang P12,236 na ayuda depende kung saang kategorya sila kabilang tulad ng mangingisda, manininda ng isda o nagmamay-ari ng bangkang de motor o walang makina.
Isa ang ECT sa mga emergency o disaster response ng DSWD na ang layunin ay makatulong sa mamamayang naapektuhan ng kalamidad o sakuna tulad ng oil spill na kung saan ang mga tinulungan nito ay mula sa 23 coastal barangay sa lungsod. (DN/PIA-Mimaropa/OrMin/Thea Marie Villadolid/CIO)
Larawan sa itaas: Mula sa Facebook ng City Mayor Malou FLores-Morillo