No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bagong ospital sa Tuguegarao City, bukas na sa publiko

TUGUEGARAO CITY, Cagayan (PIA) - - Pormal nang binuksan noong Linggo, ika-18 ng Hunyo ang Raphael General Hospital - ang pinakabagong ospital sa Tuguegarao City, Cagayan.


Ang nasabing ospital ay matatagpuan sa Bagay Road sa Barangay Atulayan Sur at pinamumunuan ng kanilang Medical Director na si Joseph Richard Pagela Guzman, MD, MHA.


Personal na dumalo sina Cagayan Governor Manuel Mamba at Tuguegarao City Mayor Maila Ting-Que para saksihan ang nasabing pagpapasinaya.


Bilang sentro ng kalakalan at komersyo, iba't ibang malalaki at state-of-the-art na ospital ang matatagpuan sa lungsod na kinabibilangan ng Cagayan Valley Medical Center, People's General Hospital, Dr. Ronald P. Guzman Medical Center, Saint Paul Hospital Tuguegarao, Divine Mercy Hospital, Holy Infant Hospital, Cagayan United Doctors Medical Center of Tuguegarao City, Inc, at Dr. Domingo S. De Leon General Hospital. (MDCT/PIA Region 2)

About the Author

Angely Mercado

Regional Head

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch