LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) – Ipinagkaloob ng Department of Agriculture (DA) Mimaropa kamakailan ang 23 inahing baka sa mga piling miyembro ng Animal Raiser Association of Socorro (ARAS) sa pamamagitan ng Livestock Program bilang pagtugon sa proyekto na Livestock Economic Enterprise Development Program on Cattle Production kaisa ang lokal na pamahlaan ng Socorro.
May kabuuang halaga na P862,500 ang ipinagkaloob na mga baka sa mga benepisyaryo na nagmula sa lalawigan ng Masbate. Layunin ng programa na pataasin pa ang lokal na produksiyon ng baka sa naturang munisipalidad bilang interbensiyon na mabigyan ng karagdagang pagkakakitaan at oportunidad na umunlad ang pamumuhay ng mga magsasaka ng samahan.
Isinagawa ang turn-over ceremony sa mga benepisyaryo ni Oriental Mindoro Agricultural Program Coordinating Officer Artemio Casareno kasama si Provincial Veterinarian Dr. Grimaldo Catapang, Socorro Mayor Nemmen Perez at iba pang kawani ng pamahalaan na may kaugnayan sa agrikultura.