No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

29th Pista ng Kalikasan, isasagawa sa Rizal, Palawan

LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Isasagawa sa apat na ektaryang lupain sa Brgy. Campong-Ulay sa bayan ng Rizal sa Hunyo 30, 2023 ang pagdiriwang ng ika-29 na Pista ng Kalikasan na may temang ‘Nasa Kalikasan ang ating Kaligtasan.’

Ang aktibidad ay pangangasiwaan ng Provincial Government-Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) katuwang ang Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), mga mining companies sa lalawigan at pamunuan ng lokal na pamahalaan ng bawat munisipyo at barangay na nabanggit.

Bahagi rin ito ng selebrasyon ng Baragatan Festival 2023 kaugnay ng ika-121 anibersaryo ng pagkakatatag ng Gobyerno Sibil ng Palawan.

Sa nasabing tree planting activity ay iba't-ibang seedlings ng hard wood ang inaasahang maitatanim tulad ng narra, batino, aguho at ipil.

Taon-taon ay iba’t-ibang munisipyo ang pinagsasagawaan nito upang mapanumbalik ang sigla ng mga nasira nang mga kagubatan at bakawan sa Palawan na malaki ang naitutulong sa mga mamamayan partikular na sa kabuhayan ng mga ito at sa panahon ng kalamidad.

Makikiisa rin ang 11 pang mga munisipyo na kinabibilangan ng mga bayan ng Aborlan, Brooke's Point, Culion, Dumaran, El Nido, Kalayaan, Narra, Quezon, Roxas, Sofronio Española at San Vicente sa taunang pagdiriwang ng Pista ng Kalikasan sa pamamagitan ng tree planting activities sa kani-kanilang mga munisipyo. (OCJ/PIA Mimaropa-Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch