No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Capacity building para sa linear park maintenance, protection, isinagawa ng DENR-NCR

LUNGSOD QUEZON, (PIA) --Nagsagawa ang Conservation and Development Division ng Department of Environment & Natural Resources-National Capital Region sa pamamagitan ng Production Forest Management Section ng capacity building sa Linear Park Maintenance and Protection kailan lamang sa Lungsod Quezon.

Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na Linear Park Enhancement Project sa ilalim ng Manila Bay Rehabilitation Program at ito ay nilahukan ng kinauukulang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila, mga Estero Rangers, Farmworkers, mga kawani mula sa Metropolitan Environmental Office (MEO) North and East.

Ang pagsasanay ay hinati sa dalawang bahagi—ang una ay binubuo ng isang lecture series na pinangunahan ni Landscape Architect Maria Vio Bianca Fernandez sa Quezon Memorial Circle sa nasabing lungsod, at ang pangalawang bahagi, ay ang hands-on training na pinangunahan ng Agritech. Jefferson Guiao sa Campus Maintenance Office ng University of the Philippines – Diliman.

Layunin ng aktibidad na itaas ang kamalayan sa kahalagahan at benepisyo ng mga katutubong puno at halamang ornamental sa urban setting, magbigay ng teknikal na kaalaman sa mga lokal na pamahalaan sa wastong pagpapanatili at proteksyon ng linear park, at dagdagan ang mga ito ng pangunahing kaalaman tungkol sa softscape nutrient management na mahalaga para sa pagpapaunlad ng mga linear park.

Tiniyak na maiisaalang-alang ang pagpapanatili ang proteksyon at pamahala ng mga naitatag na linear park na ibibigay/naibigay  sa mga ang kinauukulang LGU, sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement.

Sa kasalukuyan, mayroon ng pitong (7) linear park na matatagpuan sa kahabaan ng Tullahan River sa Brgy. Concepcion at Brgy. Tinajeros sa Malabon City, Dario Creek sa Brgy. Sta. Cruz at Ilang-Ilang Creek sa Brgy. North Fairview sa QC, at sa Palay Creek sa Brgy. Tumana at Park Creek 23 sa Brgy. Marikina Heights sa Marikina City. (denr-ncr/pia-ncr)

About the Author

Alaine Allanigue

Writer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch