No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bagong slaughterhouse ng Looc, ininspeksyon ng NMIS

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Ininspeksyon kamakailan ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang itinayong slaughterhouse ng lokal na pamahalaan ng Looc sa Brgy. Punta bilang paghahanda sa pagbubukas nito.

Sa bagong lugar-katayan na ito, makikita ang mas malaking espasyo at modernong kagamitan na makakatulong sa mas epektibong pagkakatay ng mga baboy at baka. Ito ay isa sa mga hakbang ng pamahalaang bayan upang mapalawak at mapahusay ang kanilang slaughterhouse.

Nanguna rin ang NMIS sa isinagawang seminar sa bayan upang bigyang-diin ang tamang pamamaraan sa pag-operate at pag-manage ng slaughterhouse. Layunin ng seminar na matiyak ang kalidad at kaligtasan ng mga karne na nagmumula sa slaughterhouse.

Sa nasabing seminar, tinalakay ang mga mahahalagang aspekto ng meat inspection, gayundin ang mga patakaran at pamamaraan para sa maayos na pag-sanitize at pagkatay.

Inilahad din ang mga legal na aspekto ng meat inspection, good manufacturing practices, standard sanitation operation procedure, at hygienic slaughtering. (PJF/PIA Mimaropa-Romblon)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch