Tumanggap din ng Gold Cross Medal sina Technical Sergeant Roel Moreno, First Lieutenant Brayle Bato, Sergeant Winston Berja at Lieutenant Colonel Dax Jacinto Barinos samantalang ipinagkaloob ang Silver Cross Medal kay Colonel Rosendo Abad Jr.
Itinanghal naman na Best Junior Officer si Captain Jeffrey Ladislao, Best Enlisted Personnel si Technical Sergeant Dennis Patacsil, Best Officer Instructor si Captain Clint Achilles Ramos, at Best Enlisted Personnel Instructor si Staff Sergeant Ramsy Dela Cruz.
Para sa Unit Combat Award ay kinilala ang 33rd Special Forces Company na sinundan ng pagpaparangal ng Army Governance Pathway Proficient Status with Gold Trailblazer sa buong hukbo ng SFRA bilang patotoo ng mabuting pamamahala.
Samantala, kasama sa mga stakeholder awardees sina Pangantucan, Bukidnon Mayor Miguel Silva Jr.; MJB Cares Foundation Founder Mary Joy Bustamante; Philippine Army 3rd Field Property Accountability Office Chief Nenita Quismundo.
Ipinagkaloob naman ang Lifetime Achievement Award kay retired First Chief Master Sergeant Lito Tompayogan.
Maliban sa pagpaparangal ay ipinagkaloob din ng Special Forces Special Education Foundation, Inc. ang scholarship support sa mga benepisyaryong estudyante na kinatawan ni Desrie May Balayanto.
Sinaksihan din ni Marcos ang capability demonstration ng SFRA partikular ang kanilang husay sa pagsasagawa ng Military Free Fall gayundin ang pagkakaroon ng sariling Battle Management System na karaniwang ginagamit sa mga high-risk mission tulad ng sabotage at direct-action raid na kanilang ipinakita sa pamamagitan ng mga scenario. (CLJD/CCN-PIA 3)
Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang capability demonstration ng Special Forces Regiment Airborne ng Philippine Army na bahagi ng pagdiriwang ng ika-61 anibersaryo ng rehimyento. (Presidential Communications Office)