LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Magandang balita! Umabot na sa 82,617 bilang ng mga senior citizens ng Lungsod Makati ang nakatanggap ng libreng maintenance medicines.
Ayon sa Pamahalaang Lungsod ng Makati, may 15 days na libreng maintenance medicine at iba pang gamot ang seniors (60-69 years old), at good for 30 days para sa mga seniors na 70 years old pataas.

Ilan sa mga libreng maintenance medicines na handog ng pamahalaang lungsod para sa mga senior citizens ay insulin, gamut sa puso at high blood, asthma, multivitamins, at iba pa.
Bukod sa libreng gamot, libre rin ang delivery ng mga naturang gamot sa mga senior citizens ng lungsod. (Makati City/PIA-NCR)