No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

PESO, DOLE may handog na trabaho para sa mga OSY ng Pasay

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Magandang balita! Handog ng Pamahalaang Lungsod ng Pasay, sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) at ng Special Program for Employment of Students (SPES) ng Department of Labor and Employment (DOLE), ang trabaho para sa mga out-of-school youth (OSY).

Ayon sa pamahalaang lungsod, magkakaroon ng face to face in-house interview para sa mga SPES na may edad 18-30 taong gulang ang McDonald’s sa darating na Huwebes, Hunyo 29, 2023, sa Pasay Public Employment Service Office, Room 310, 3rd Floor ng Pasay City Hall.

Sa mga nais makilahok, magdala ng updated resumé at ballpen.

Paalala rin ng pamahalaang lungsod na patuloy na sumunod sa health and safety protocols.

Para sa iba pang updates, i-follow official Facebook Page ng PESO - PASAY. (Pasay City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch