Hinamon ni Department of Environment and Natural Reources – Mines and GeoSciences Bureau (DENR-MGB) Regional Director Mario Ancheta ang mga mamamayan at media practitioners na sumama sa kanilang regular monitoring upang makita na walang illegal Black Sand Mining sa mga coastal areas ng Cagayan at Isabela. (PIA Photo)
SANTIAGO CITY, Isabela (PIA) - - Hinamon ni Department of Environment and Natural Reources – Mines and GeoSciences Bureau (DENR-MGB) Regional Director Mario Ancheta ang mga mamamayan at media practitioners na sumama sa kanilang regular monitoring upang makita na walang illegal Black Sand Mining sa mga coastal areas ng Cagayan at Isabela.
Ayon kay Ancheta, patuloy ang kanilang monitoring sa mga barkong nakadaong sa mga coastal areas upang makita kung may mga kagamitan sila para sa Black Sand Mining.
Ang hamon ni Ancheta ay ibinahagi sa katatapos na Responsible Mining Forum sa Santiago City, katuwang ang mga opisyal ng mga local government units, Non-Government Organizations (NGOs) at mga mamamahayag sa Cagayan Valley.
Layunin ng Responsible Mining Forum sa Casa Jardin sa Santiago City na ipakita ang mga magagandang programa at proyekto ng mga mining companies sa mga sakop nitong komunidad at ang kontribusyon nito sa ekonomiya sa rehiyon dos at sa bansa.
Ayon pa kay Ancheta, mariin ang kanilang pagpapatupad ng mga batas hinggil sa legal at responsableng pagmimina sa Cagayan Valley, katuwang ang mga ahensiya ng national government at mga NGOs.
Dagdag pa nito na naging matagumpay din ang kanilang kampanya hinggil sa illegal small scale mining activities sa rehiyon kung saan isinagawa kamakailan ang nasabing kampanya sa Cordon, Isabela.
Ayon pa sa kanya, patuloy ang kanilang isasagawang taunang Responsible Mining Forum upang maipaalam sa mga mamamayan ang kahalagahan ng responsableng pagmimina at ang malking kontribusyon nito sa ekonomiya at kabuhayan ng mga mamamayan.
Ayon kay Ancheta, naging tagumpay ang kanilang Responsible Mining Forum dahil dinaluhan ito ng mahigit 600 na mga mamamayan at mga katuwang na ahensiya sa Cagayan Valley.(BME/PIA NVizcaya)