BATANGAS CITY (PIA) — Mahigit 2,836 residente sa lungsod ng Batangas ang tumanggap ng tulong pinansiyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Assistance to Individuals and Crisis Situation kamakailan.
Pinangunahan ni Senator Imee Marcos at AGAP Partylist Representative Nicanor Briones ang pamamahagi ng naturang tulong sa mga magsasaka at purok at barangay leaders na mga benepisyaryo ng programa.
Binigyang-diin ng Sen. Marcos na hangad niyang mapaunlad ang sektor ng agrikultura kaya’t ang mg aito ang nagsilbing benepisaryo ng programa.
Nagkaloob din ito ng nutribun at mga laruan sa mga batang nagsidalo sa programa.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Mayor Beverley Rose Dimacuha katuwang si 5th District Representative Marvey Marino kay Sen. Marcos sa malasakit at pagpapahalaga na ibinigay nito sa mga Batangueño.
Matatandaang noong Marso lamang ay bumisita na din ang Senadora sa lungsod para naman sa pamamahagi ng AICS sa mga biktima ng sakuna at kalamidad dito. (BPDC, PIA BATANGAS/BATANGAS CITY PIO)