No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bike simulation bilang paghahanda sa Palarong Pambansa, isinagawa sa Marikina

LUNGSOD QUEZON (PIA) -- Bilang paghahanda para sa nalalapit na Palarong Pambansa, pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang isang bike tour simulation kamakailan.

Ang bike tour simulation ay isinagawa upang masukat ang kahandaan ng lungsod para sa isasagawang bike tour activity kaugnay ng Palarong Pambansa.

Mula sa Marikina Freedom Park, tinahak ng mga kalahok ang piling kakalsadahan sa mga barangay ng Sta. Elena, Sto. Niño, Concepcion Uno, Marikina Heights, Parang, at Fortune.

Nagkaroon ng maikling stop-over sa bisinidad ng Delfi Foods, Inc. sa Brgy. Fortune at sa Hardin ng Bayan sa Brgy. Marikina Heights bago pumadyak muli ang mga kalahok pabalik sa starting point.

Naging bahagi rin ng bike tour simulation ang mga kawani ng Department of Education-Marikina at mga bike enthusiasts.

Ang Palarong Pambansa 2023 ay bubuksan sa Hulyo 31, 2023 sa Lungsod ng Marikina. (Marikina City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch