No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Maging handa at may alam, paalala ng MMDA sa publiko

Sa paggunita ng National Disaster Resilience Month

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Sa paggunita ng National Disaster Resilience Month ngayong buwan ng Hulyo, paalala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na maging laging handa sa anumang sakuna.

Alinsunod sa Executive Order No. 29 s. 2017, ginugunita tuwing buwan ng Hulyo ang National Disaster Resilience Month na may tema sa taong ito na “BIDAng Pilipino: Building a Stronger Filipino Well-Being towards Disaster Resilience.”

Ito ay naglalayon na paigtingin ang kamalayan ng publiko sa panganib na dala ng mga sakuna at magkaroon ng epektibong pagtugon sa mga kalamidad.

Inaanyayahan ng MMDA na lumahok ang lahat sa mga programa ng pamahalaan para maging handa at may alam sa mga hakbang na gagawin bago, habang, at pagkatapos ng pinsala dulot ng mga sakuna. (MMDA/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch