No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagtatanim ng 450 puno, naging simbolo sa pagdiriwang ng Araw ng Pasig

Pinangunahan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pagtatanim ng mga puno kaugnay ng pagdiriwang ng ika-450 Araw ng Pasig. (Mga kuha mula sa Pasig PIO)

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Nagtanim ng may 450 puno ang mga opisyal at iba pang mamamayan ng Lungsod Pasig bilang simbolo ng pagdiriwang ng ika-450 taong anibersaryo ng lungsod.

Pinangunahan nina Pasig City Mayor Vico Sotto at Vice Mayor Dodot Jaworski ang tree planting activity, kung saan 450 seedlings ng dao, lanzones, lemon, cacao, narra, at bignay ang itinanim sa isang parte ng malawak na lupain sa Maybunga Rainforest Park.

Kasama rin ang iba pang opisyales at kawani ng lungsod, nakilahok din ang mga estudyante ng Pamantasang Lungsod ng Pasig, mga kinatawan ng iba pang grupo katulad ng Rover Scout Pasig Council.

Layunin ng naturang tree planting activity na patuloy na mapangalagaan ang kalikasan para sa mga susunod pang henerasyon ng mga Pasigueño. (Pasig City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch