No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga proyektong pangkaunlaran sa Bulalacao, malaking tulong sa mga mamamayan

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) – Dalawang malalaking proyektong pangkaunlaran ang inaasahang mapapakinabangan ng mga mamamayan ng bayan ng Bulalacao matapos ang isinagawang turn-over ceremony ng bagong Bulalacao Community Hospital noong Hunyo 29 at ground breaking ceremony ng magiging bagong Bulalacao Municipal Hall Building sa Brgy. Campaasan, Bulalacao noong Hunyo 28.

Ang pormal na turnover ng P84M New Bulalacao Community Hospital sa Pamahalaang Bayan ay maituturing na isa  sa pinakamalaking ospital sa lalawigan.

May lawak ang pasilidad na 2,700 sqm at kayang tumanggap ng daan-daang pasyente mula sa Bulalacao at mga kalapit na bayan.

Nagmula ang naturang pondo sa Department of Health (DOH) sa pamamagitan nang pakikipagtuwang ni Bulalacao Mayor Ernilo Villas. Magiging operasyonal ang ospital kapag nailagay na ang mga hinihintay na karagdagang kagamitan.

Dinaluhan ang nasabing Turnover Ceremony nina Gov. Humerlito A. Dolor, Bokal Roland Ruga, Mayor Ernilo C. Villas Vice Mayor Ramon Magbanua at ng Buong Sangguniang Bayan Member, Municipal Administrator Gideon B. Abuel, LGU Heads and Employees, BCH Employees sa pangunguna ni Dr. Josie Ann Marca MD OIC Head of BCH, at DOH representative Aubrey Mechaela B. Solis.

Samantala, ang bagong Bulalacao Municipal Hall ay nakatakdang gawin matapos ang isinagawang groundbreaking ceremony. May lawak na 3,600 square meter ang itatayong istruktura at nagkakahalaga ng P80M na popondohan ng LGU Bulalacao. Sisimulan ang pryekto sa susunod na taon 2024.

Ayon sa pamahalaang lokal, sa pamamagitan ng bagong Municipal Hall, magiging mas maalwan, maagap, at komportable ang pagbibigay serbisyo ng mga kawani sa mga mamamayan. (JJGS/PIA Mimaropa-Oriental Mindoro)

About the Author

Juanito Joshua Sugay

Information Officer II

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch