No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga mag-aaral, ipinamalas ang kaalaman sa pagtugon ng mga sakuna

TUGUEGARAO CITY, CAGAYAN (PIA) - - Ipinamalas ng mga mag-aaral ng tatlong mga eskwelahang kalahok sa Gawad Kalasag Search ang kanilang kaalaman sa mga hakbang na dapat gawin kung sakaling may sakuna tulad ng lindol at sunog sa kanilang mga eskwelahan.

Maayos na naisagawa ng mga mag-aaral, guro at iba pang mga mamamayan na nasa loob ng kanilang mga eskwelahan ang mga kinakailangang hakbang mula sa procedure ng 'duck, cover and hold' hanggang sa paglikas sa ligtas na lugar.

Kabilang sa Gawad Kalasag Search ang Cauayan City Science High School sa Cauayan City, Isabela; Maddela Comprehensive High School sa Maddela, Quirino, at ang Tumauini National High School sa Tumauini, Isabela. 

May binuo ang mga eskwelahan na mga miyembro ng ‘Watch’ team - ang grupo ng mga estudyante na şinanay sa pagresponde tuwing may sakuna tulad ng pagrescue sa mga sugatan at pagsasagawa ng first aid.

Ang ipinakitang husay ng mga mag-aaral at guro sa disaster risk reduction and management ay bahagi ng kanilang ipinagmalaking best practices.

Ayon sa mga guro, mahalagang alam ng mga mag-aaral ang mga gagawın nila kung may lindol o anumang uri ng kalamidad para sa kanilang kaligtasan.

Binibilang ng mga guro kung kumpleto ang kanilang mga estudyanteng lumikas sa kanilang evacuation area. Ito ay bahagi ng kanilang earthquake drill na ipinakita sa mga evaluators ng Gawad Kalasag Search-School category.

Ayon kay Mary May Baclig, civil defense officer ng Office of the Civil Defense at focal person ng Gawad Kalasag Search - School Category, tinitingnan sa patimpalak ang kahandaan ng mga eskwelahan sa pagtugon ng mga hamong maaaring idudulot ng mga sakuna.

Sinusukat din ang kaalaman ng mga mag-aaral at guro hinggil sa mga dapat gawin kung sakaling may mga hindi inaasahang mangyayari na maaring ikapapahamak ng sinuman habang nasa paaralan. (MDCT/OTB/PIA 2)

About the Author

Oliver Baccay

Information Officer IV

Region 2

  • Assistant Regional Director, Philippine Information Agency Region 2
  • Graduate of Bachelor of Arts in Mass Communication 
  • Graduate of Master of Arts in Education, major in English
  • Graduate of Doctor in Public Administration

Feedback / Comment

Get in touch