No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagbalangkas ng Resiliency Plan ng mga barangay sa Cagayan, tinututukan ng PDRRMO

TUGUEGARAO CITY, Cagayan (PIA) - - Patuloy na nagsasagawa ang Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Seminar-Workshop sa 3R Campaign o Risk Reduction and Resilience sa iba’t ibang bayan dito sa lalawigan.

Ibinabahagi ng speaker mula sa Department of Science and Technology ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Resiliency Plan sa mga barangay sa Cagayan sa panahon ng kalamidad. (Litrato ng CPIO)

Bahagi ito ng adhikain ng Pamahalaang Panlalawigan na maihanda ang mga barangay sa mga dapat gawin sa tuwing may kalamidad o sakuna sa mga barangay sa lalawigan. 

Kamakailan nga ay nasa 100 indibidwal na kinabibilangan ng mga opisyal ng barangay, mga kinatawan mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Municipal Planning and Development Office (MPDO) sa mga bayan ng Allacapan, Ballesteros, Abulug at Aparri West, ang dumalo sa nasabing seminar-workshop.


Katuwang ng PDRRMO ang ang Department of Science and Technology (DOST) Region 02 sa pagsasagawa ng nasabing pagsasanay kung saan tinutulungan ang mga kinatawan ng mga barangay na balangkasin ang kanilang Barangay Resiliency Plan.

Itinuturo sa mga kalahok ang mga hakbang ng mga responder sa oras na makaranas ng lindol, tsunami at iba pang kalamidad o sakuna sa nasasakupang lugar. 

Ang kahalintulad na aktibidad ay gagawin pa sa limang cluster mula sa mga magkakalapit na bayan o MDRRMO. 

Matatandaan na unang isinagawa ang seminar-workshop sa bayan ng Sanchez Mira noong ika-21 ng Hunyo tang kasaukuyan na nilahukan din ng mga MDRRMO at mga opisyales ng Barangay. (OTB/MDCT/May bang ulat mula sa CPIO/PIA Cagayan)

About the Author

Mark Djeron Tumabao

Regional Editor and Social Media Manager

Region 2

An ordinary writer from Cagayan Province. 

Feedback / Comment

Get in touch