ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Aabot sa 1,076 na mga mag-aaral na magsisipagtapos ng Romblon State University (RSU) Main Campus ang nakatanggap ng educational cash assistance mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay Social Welfare and Development Team Leader Abegail Fetilo, ang programa ay para makatulong sa agarang pinansyal na pangangailangan ng mga estudyante at kanilang mga magulang.
Personal na dumalo sa pamamahagi ng cash assistance si RSU President Merian Mani at si Congressman Eleandro Madrona.
Dumalo rin sa pamamahagi ng cash assistance ang mga opisyal ng pamantasan.
Ayon sa DSWD, tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang assesment sa ibang mag-aaral sa probinsya para mabigyan din ng cash assistance na makakatulong sa mga gastusin ngayong buwan ng kanilang pagtatapos. (PJF/PIA Mimaropa)