No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Distressed OFWs sa mga bayan ng Allacapan at Amulung, nakatanggap ng tulong mula sa OWWA

TUGUEGARAO CITY, Cagayan (PIA) - - Labinlimang benepisyaryo ng “Balik Pinas, Balik Hanap Buhay Program” sa bayan ng Allacapan sa lalawigang ito ang nakatanggap ng tulong pangkabuhayan mula sa Overseas Filipino Workers Welfare Administration (OWWA) Region 2 kamakailan.

Personal na ibinigay ng mga Family Welfare Officer ng OWWA ang livelihood assitance sa 15 benepisyaryo ng Balik Pinas, Balik Hanap Buhay Program sa Allacapan, Cagayan. (Litrato ng Municipal Government of Allacapan)

Ani Mayor Harry Florida, ang ibinigay na tulong pangkabuhayan ay malaking bagay para sa pagbangon at pagsisimulang muli ng mga distressed OFW sa kanilang pamumuhay.

Sa 15 benepisyaryo, 12 ang nabigyan ng tig-P20,000 habang tatlo naman sa mga ito ay nakatanggap naman ng tig-P10,000.

Samantala, nagsagawa rin ang OWWA ng isang business seminar orientation para sa mga OFW na mula sa bayan ng Amulung nitong Hulyo 7 sa ilalim pa rin ng “Balik Pinas, Balik Hanap Buhay Program” ng naturang ahensiya.

Sa pangunguna ni Family Welfare Officer Crista Buco ng OWWA, ibinahagi sa mga napiling OFW ang kaalaman sa paghahawak ng negosyo.

Ang mga kwalipikadong OFW ay mabibigyan ng tulong pangkabuhayan na siyang magsisilbing puhunan or pasimula ng kanilang negosyo. 

Ang Balik Pinas, Balik Hanap Buhay Program ay isang programa ng OWWA na layunin na magbigay ng agarang tulong sa mga bumabalik na miyembro-OFW (nahihirapan/displaced) na nagkakahalaga ng maximum na P20,000 bilang panimula o karagdagang kapital para sa proyektong pangkabuhayan. (OTB/MDCT/PIA Cagayan)

About the Author

Mark Djeron Tumabao

Regional Editor and Social Media Manager

Region 2

An ordinary writer from Cagayan Province. 

Feedback / Comment

Get in touch