TUGUEGARAO CITY, Cagayan (PIA) - -Lubos na ikinatuwa ng mga senior citizen mula sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Claveria sa lalawigang ito ang programng libreng sine at ‘meal treat’ ng lokal na pamahalaan para sa kanila.
Nito lamang Hulyo 7 ay personal na sinamahan ni Mayor Lucille Angelus Guillen-Yapo ang mga senior citizen mula sa iba’t ibang barangay sa kanilang bayan para manood ng sine nang libre sa Robinson’s Place sa San Nicolas, Ilocos Norte.
Ang inisyatiba ng alkalde ay may layuning maibigay ang ganitong uri ng libangan sa mga matatanda bilang kapalit ng kanilang napakalaking kontribusyon sa lokal na komunidad.
Aniya, isa rin itong mahusay na paraan para ipakita ng lokal na pamahalaan ang pakikiramay at pagpapahalaga sa kanila.
“Because our seniors have a special place in our hearts, the local government, with the assistance of the Municipla Social Welfare and Development, continually seeks ways to come up with various programs that are responsive to the needs of the elderly in order for them to experience a life that is happier and healthier,” ani ng alkalde.
Samantala, maliban sa natanggap na P100,000 ng centenarian na si Anunsacion A. Daquigan ng Barangay Centro 5 mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nakatanggap pa ito ng P20,000 bilang counterpart ng lokal na pamahalaan. (OTB/MDCT/PIA Cagayan)