No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Santa Teresita LGU, DA namahagi ng biik at feeds sa 30 apektado ng ASF

Tig-tatlong biik at feeds ang natanggap ng mga benepisyaryo ng Calibrated Swine Repopulation Program (CSRP) ng Department of Agriculture (DA) sa Santa Teresita, Cagayan.

SANTA TERESITA, Cagayan (PIA) - - Hindi bababa sa 30 indibidwal na apektado ng African Swine Fever (ASF) nang nakaraang taon sa bayan ng Santa Teresita ang nabigyan ng biik at feeds kamakailan.

Ang pamamahagi ng biik ay naging posible sa ilalim ng Calibrated Swine Repopulation Program (CSRP) ng Department of Agriculture (DA).

Ayon sa Municipal Agriculture Office (MAO), maliban sa natanggap nilang tig-tatlong biik at limang sako ng commercial feeds ng baboy, binigyan din sila ng isang sprayer na ipinamahagi sa Municipal Gymnasium sa bayan ng Lal-lo noong Hunyo 30 at Hulyo 1.

"Malaki ang maitutulong nito sa akin. Hindi man ito makakabawi sa lahat ng nawala kong puhunan, ito ay nagbigay ng pag-asa sa gobyerno na magising at magsimulang muli sa pagsasaka. Maraming salamat sa lokal na pamahalaan, kay Mayor Rodrigo de Gracia sa pag-aalaga sa amin pati na rin si MAO Madrid na tumulong sa amin para mabigyan kami ng libreng biik at pakain,” ani Elmer Pichay, isa sa mga benepisyaryo.

Sa pamamagitan ng CSRP ng DA, nabibigyan ng tulong ang mga magsasaka na naapektuhan ng ASF na makabangon mula sa kanilang mga pagkalugi. Ang mga biik ay ibinibigay nang walang bayad ng DA sa bawat benepisyaryo. (OTB/MDCT/PIA Cagayan)

About the Author

Mark Djeron Tumabao

Regional Editor and Social Media Manager

Region 2

An ordinary writer from Cagayan Province. 

Feedback / Comment

Get in touch