
LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Magandang balita para sa mga taga Pateros! Pagkakataon nang makabili ng mga murang bilihin sa darating na Lunes, July 17, magkakaraon ng ‘Kadiwa ng Pangulo.’
Ang Kadiwa ng Pangulo ay gaganapin sa G. Flores St., Brgy. Poblacion, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Layunin ng ‘Kadiwa ng Pangulo’ mas mailapit pa sa taumbayan ang mga murang bilihin mula sa mga lokal na agricultural producers. (Pateros/PIA-NCR)