No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

COMELEC-CAR: Seguridad sa 2023 BSKE, kailangang paghandaan

BAGUIO CITY (PIA) -- Binigyang-diin ng Commission on Elections - Cordillera (COMELEC-CAR) na kailangan ang ibayong paghahanda pagdating sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa darating na October 30, 2023 Synchronized Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE).
 
Ayon kay COMELEC-CAR Regional Director Julius Torres, kailangang paghandaan ang seguridad sa darating na halalan dahil sa posibleng mas seryosong tunggalian sa pulitika.
 
"Barangay and SK elections pose more security problems owing to the more personal nature of the contest. We must remember, opponents in barangay and SK elections often are relatives, friends, and neighbors," paalala ni Torres.

Nagbigay ng mensahe si COMELEC-CAR Regional Director Julius Torres kaugnay sa nalalapit na 2023 BSKE, sa kanyang pagdalo sa flag raising ceremony ng Cordillera Police sa Camp Bado, Dangwa, La Trinidad nitong Hulyo 17, 2023.

Bukod dito ay manual ang isasagawang botohan kung saan, posibleng magkaroon ng mga problema sa peace and order, ayon sa opisyal.
 
"Manual elections pose more challenges in terms of peace and order as it takes more time to complete the non-automated elections," ani Torres.
 
Dahil dito ay iginiit ni Torres ang mahalagang papel ng kapulisan partikular na sa pagbibigay ng seguridad, at pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan lalo na sa panahon ng halalan.
 
Una nang nagkaroon ng command conference ang Cordillera Police kung saan, tinalakay nila ang kasalukuyang sitwasyon ng peace and order sa rehiyon, at mga paghahanda ng kapulisan para sa 2023 BSKE.

Sa mga susunod na linggo ay inaasahang ire-reactivate ng COMELEC ang Regional Joint Security Control Center kung saan, makakatuwang ng komisyon ang Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines at iba't ibang election stakeholders sa pagtutok at pagsiguro ng matagumpay na eleksyon.
 
Naniniwala si Torres na ang susi sa matagumpay na eleksyon ay pagtutulungan ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan at iba pang stakeholders.
 
"We need all of you. We need all the partner agencies and it is through full cooperation and support among all of us that will ensure the success of this coming election," si Torres.
 
Magsisimula na sa Agosto 28 ang election period hanggang sa Nobyembre 29, 2023. Ang araw ng halalan ay sa Oktubre 30, 2023 mula 7:00 ng umaga hanggang 3:00  ng hapon. (DEG-PIA CAR)

About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

CAR

Feedback / Comment

Get in touch