LUNGSOD NG KIDAPAWAN, Lalawigan ng Cotabato (PIA) -- Nakatanggap kamakailan ng hauling truck na nagkakahalaga ng P1,099,000 mula sa Department of Agrarian Reform ang New Antique Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative sa bayan ng M’lang.
Ang hauling truck ay ibinigay sa benepisyaryong kooperatiba sa pamamagitan ng Climate Resilient Farm Productivity Support Program-Major Crop Block Farm for 2023 ng DAR.
Ayon kay Evangeline Bueno, provincial agrarian reform program officer II, sa pamamagitan ng tulong na ibinahagi sa mga magsasaka ay matutugunan ang problema sa double handling ng mga produkto papuntang consolidation area.
Kaugnay nito, umaasa si Bueno na mapalalakasa ang income-generating activity ng kooperatiba sa mga susunod na araw.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga miyembro ng kooperatiba, sa pamamagitan ng kanilang chairman na si Cesar Santillan, ngayong may magagamit na sila para sa mas mabilis at maayos na paghahatid ng kanilang mga produkto mula sa kanilang sakahan papunta sa pamilihan.
Aniya, malaking tulong sa mga magsasaka ang suporta ng DAR upang mapataas ang kanilang kita sa kabila ng mga problemang kinahaharap sa sektor ng agrikultura. (With reports from DAR-Cotabato)