No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DepEd, Marikina LGU lumagda ng kasunduan para sa Palarong Pambansa

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Kaugnay ng papalapit na pagdaraos ng ika-63 Palarong Pambansa, pormal nang lumagda ng Memorandum of Agreement (MOA) ang Department of Education at Pamahalaang Lungsod ng Marikina kamakailan.

Pinangunahan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte at Marikina City Marcy Teodoro ang paglagda sa kasunduan bilang tanda ng pagtutulungan sa pagdaraos ng taunang sports event na gaganapin sa ‘Shoe Capital’ ng bansa.

Pinangunahan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte at Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang paglagda sa kasunduan kaugnay ng papalapit na Palarong Pambansa sa lungsod. (Mga kuha mula sa Marikina PIO)

Ininspeksyon din ng Pangalawang Pangulo ang ilan sa mga pasilidad sa lungsod na gagamatin para sa naturang palaro upang masukat ang kahandaan ng mga pasilidad na ito, gaya ng swimming pool at oval track ng Marikina Sports Center.

Kasama rin ni Vice President Duterte na umikot sa lungsod si Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, Philippine Sports Commission Chairperson Richard Bachman, at iba pang mga opisyales.

Ang pormal na pagbubukas ng Palarong Pambansa ay gaganapin sa Marikina Sports Center sa July 31, 2023.

Sa Palarong Pambansa na isang taunang patimpalak palakasan, magtatagisan sa iba't ibang larangan ng isports ang mga atletang mag-aaral mula sa 17 rehiyon sa buong bansa. Ito ay tatagal hanggang August 5, 2023. (Marikina City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch